Abante Tonite Interactive

Road safety isasama sa school curriculum

0 193

Inilunsad ng Land Transportation Office (LTO) ang proyekto nito para isama ang pagtuturo ng road safety sa Basic Education Curriculum.

Pinangunahan ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante ang pag­lulunsad ng prog­rama na ginanap sa kanilang central office sa East Ave­nue, Diliman, Quezon City nitong Martes.

Sa pakikipagtulu­ngan ng Department of Education-National Capital Region, Quezon City Office of Schools Division at iba’t ibang paaralan katuwang din ang pamahalaang lokal ng Quezon City, isasama ang pagta­lakay ng road safety sa mga asignatura na katulad ng Science, Filipino, MAPEH, at English para mahimok ang kabataan na maging responsable para sa kanilang kaligtasan sa lansangan.

Ang LTO umano ang siyang magkakaloob ng financial, material at logistical resources samantalang ang Schools Divisions Office ang magbibigay ng technical expertise para ilatag ang road safety sa curriculum.

Kasabay ng prog­rama kahapon, hinimok din ni Galvante na palawigin pa ang naturang programa at isama na rin ang mga nasa tertiary level.

Binigyang-diin ni Galvante na ang kaligtasan sa lansangan ay concern ng bawat mamamayan.(Riz Dominguez)