Abante Tonite Interactive

ROAD TRIP SA NORTE

By
67

Summer ng 2016, nang una kong maranasan at ng aking ­pamilya ang kakaibang adventure… ang mag-road trip.

Nagsimula sa kailangang i-road test ang van ng kapatid ko kaya nagkayayaang umalis at pumunta ng pa-Norte.

UNANG DESTINASYON, ILOCOS NORTE

Abante Hiring – IT dep

bantay-bell-towerBiyernes ng gabi umalis kami ng Cavite at nakarating kami ng Laoag City sa Ilocos Norte ng alas-siyete na ng umaga.

Hindi ko aka­lain na ganu’ng kalayo na mistulang walang kata­pusang pagbiyahe upang makarating sa Ilocos.

Wala kaming inaksayang panahon kahit puyat at pagod sa 10-oras na biyahe.

Pinunta­han agad namin ang mga tourist spots sa Ilocos.

Sinking Bell Tower. Pagkadating namin sa Laoag bumungad sa amin ang Sinking Bell Tower na kun’saan sinasabing patuloy na lumulubog ito ng 1 inch kada taon.

La Paz Sand Dunes sa Paoay. Dito ko naranasan ang mag-sand boarding at sumakay ng 4×4 jeep na binabagtas ang mata­taas at matatarik na bato o bangin na talagang makapigil-hininga sa bawat pag-akyat at big­lang pagbaba na walang anumang nakakabit na harness o nakalagay na safety gear tibay lang ng kapit ang kailangan.

Ito rin ang naging location ng movie na ‘Walang Himala ni Nora Aunor at ‘Ang Panday’ ni Da King Fernando Poe Jr.

Windmill sa Bangui. Nakamamangha ang mga naglalakihang rotor blades at ang ganda at linis ng dagat sa harap nito.

Malacañang of the North. Napasok namin ang naging tirahan ng mga Marcos kun’saan makikita ang karangyaan ng kanilang pamumuhay sa lawak at laki nito. Abot-tanaw din sa veranda nito ang Paoay Lake.

Marcos ­Museum & Mausoleum sa Batac. Makikita rito ang labi ni dating Presidente Ferdinand Marcos at mga memorabilia niya mula sa pagiging sundalo hanggang sa presidente ng bansa.

Kinabukasan Linggo nagsimba kami sa ­William’s Cathedral at nakinig ng misa sa wikang Ilokano.

Pagkatapos magsimba diretso na kami sa Patapat viaduct kun’saan mamamangha sa ganda ng view ng dagat at sa dulo nito ay ang souvenir stores at sa tapat nito ang umano’y miracle falls na may grotto ni ­Virgin Mary.

PANGALAWANG DESTINASYON, ILOCOS SUR

baluartePagkatapos ng Patapat diretso na kami sa biyahe papunta ng Vigan, Ilocos Sur.

Bantay Church at Bell Tower. First stop ­namin sa Vigan ang Bantay Church at akyatin ang Bell Tower nito. Hindi rin namin pinalampas ang magdasal at humi­ling sa mahimalang Nuestra Señora de La Caridad, ang Our Lady of Charity.

Calle Crisologo. Sa­kay ng kalesa inikot namin ang makasaysa­yang Calle Crisologo na napreserba ang mga lumang bahay na Spa­nish-style rito ilan daang taon na ang nakararaan.

Makikita rin dito ang iba’t ibang tindahan gaya ng antique, woven products, longganisa, bagnet at iba pang produkto ng Vigan.

Baluarte. Hindi rin namin malilimutan ang puntahan ang Baluarte ni Chavit Singson na sanktuwaryo ng mga wild ­animals gaya ng ahas, python, ostrich, tigre at iba pang hayop.

PANGATLONG DESTINASYON, BAGUIO

baguioPagkatapos ng mainit na lugar ay sa malamig at mataas na lugar naman ang destinasyon namin, Baguio.

Nakakatakot man ang matatarik na pa-zigzag na daan at maulan nu’ng time na iyon ay enjoy pa rin.

Hindi lubos ang pagbi­sita namin sa Baguio kung hindi namin aakya­tin ang Lourdes Grotto, mamasyal sa Minesview Park, Burnham Park kun’saan enjoy ang boat riding namin at na-experience ang night market dito.

HULING DESTINASYON, PANGASINAN

Pagkababa mula sa Baguio hindi pwedeng hindi namin puntahan man lang ang Our Lady of Manaoag sa Dagupan, Pangasinan at dahil first time sa church na ito ay nagdasal at humi­ling din kami.

Napakahaba man ng biyahe at sobrang nakakapagod ang mag-road trip sa loob ng anim na araw pero sulit naman at sobrang saya na ang naidagdag ng karanasang ito sa buhay ko lalo’t kasama ang buong pamilya.

Kaya kayo rin try n’yo nang mag-road trip.