Abante Tonite Interactive

Road under construction

100

Napanaginip kong maliligo raw ako pero binawalan daw ako ng isang tito ko dahil bagong pintura lang daw ang wall ng banyo. Lumabas daw ako ng kalsada at kaila­ngang kong tumawid sa kabilang side.

Pero meron daw mga hukay sa kalsada parang road wide­ning kaya isang mala­king c­hallenge kung paano ako makakatawid.

Nakita ko raw ang kapatid at tatay ko na nasa kabilang side kaya nagpaalalay ako sa kanila pero hindi raw ako makadaan nang maayos at kaila­ngan ko pang kumapit sa mga gilid.

Abante Hiring – IT dep

Natakot akong mahulog sa mga hukay kaya hindi ako makatawid hanggang sa magising na ako.

Dalawang bagay ang puwedeng bigyan ng simbolismo sa iyong panaginip: ang banyo at ang kalsada. Mapapansin mong nagkakapareho ang tema ng iyong panaginip. Ang banyo ay bagong pintura o masasabing isinailalim sa renovation habang ang kalsada ay under cons­truction, may road wi­dening o pinapaganda.

Sa tema ng iyong panaginip, parehong maituturing na positibo ito. Parehong isinasailalim sa renovation, parehong inaayos­, pinapa­ganda. Ang banyo ay pinipintura­han para maging mas maganda.

Ang kalsada ay inaayos para maging mas malaki, mas matibay at mas maganda ang kalsada. Kung ihahanap mo ito ng koneksyon sa iyong aktuwal na buhay, masasabing meron kang pinagdaraanang at maaaring pinagha­handaang malaking pagbabago.

Ang kalsada ay sumi­simbolo sa direksyon. Kaya malinaw na indikasyon ito na may pinagdaraanan kang sitwasyon kung saan may naging pagbabago ng direksyon.

Halimbawa, dati’y nag-aaral ka pa lang at ngayon ay bagong pasok ka sa trabaho. Kung dating nagtatrabaho at ngayon ay pumasok sa pagnenegosyo. Anuman ito, may malaki itong pagbabagong inihahatid sa buhay mo.

Ang banyo ay isang lugar kung saan tayo naliligo, nag-aalis ng mga dumi sa ating katawan. Ang banyo ay itinuturing ding sim­bolo ng self-renewal, may mga kinakailangan kang linisin sa iyong sarili hindi lamang sa emosyunal kundi psychological.

Sa kabuuan ng iyong panaginip, nakasama mo ang ilang miyembro ng iyong pamilya at ito’y positibong indikasyon na sa anumang pinagda­raanan mo sa buhay ay nasa iyo ang kanilang buong suporta.

Kaya sa halip na matakot, ma­ging matatag ka dahil may pamilyang uma­alalay sa iyo.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay.

Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.