Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Roasted chicken by Williams P7M

0 301

Dahilan ni Los Angeles Clippers guard Lou Williams kaya siya nasa isang Atlanta strip club kamakailan – pinik-ap lang niya ang inorder na wings.

Nabutasan ang alibi ng reigning Sixth Man of the Year nang ibuko ng isang dancer ng Magic City club na kasama siya sa mga nag-perform kay Williams.

Mula sa Los Angeles Times:

“Aries said she danced last week for Williams, a regular at the club who has a dish named after him: the ‘Louwill Lemon Pepper BBQ wings.”

Matapos mag-order sa kitchen, nakihalubilo sa crowd ang high-scoring guard. Dumistansiya naman ng 6 feet si Aries mula kay Williams.

“He tipped very well,” pahayag ng dancer.

Nag-post ng larawan si rapper Jack Harlow katabi si Williams kuha sa Magic City. Dinelete din agad ni Harlow ang photo pero kumalat na.

Nag-imbestiga ang NBA.

Pinayagang lumabas ng Orlando bubble si Williams para dumalo sa funeral ng lolo.

Naniwala o hindi sa rason ni Williams, pinahaba ng NBA ang quarantine period nito hanggang 10 days mula sa standard four.

Nahagip ng quarantine ni Williams ang dalawang seeding games ng Clippers. Talo sila sa Lakers noong Biyernes pero bumawi sa New Orleans Pelicans.

Deductions of $ 150,000 (P7M) Williams’s salary for not playing. Expensive for exposed wings . And thighs then legs , even a whole chicken. (Vladi Eduarte )

Leave A Reply

Your email address will not be published.