Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robbery suspect nanlaban, tepok

0 321

Pumanaw ang isang suspek na nangholdap sa isang rider matapos manlaban umano sa mga awtoridad na nagtangkang umaresto sa kanya sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, Martes.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Antonio Yarra, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng napatay na inilarawan lang na nakasuot ng itim na jacket, nasa 25 hanggang 35-anyos, may taas na hanggang 5’7”, at katamtaman ang laki ng pangangatawan.

Dakong ala-1:00 ng madaling araw (Mayo 11) nang maganap ang engkuwentro sa IBP Road malapit sa Pook Pag-asa sa nasabing barangay.

Nauna rito, pauwi na gamit ang kanyang motorsiklo ang biktimang si Jonas Lincuna, 31, pero hinoldap siya ng mga suspek na lulan din ng motorsiklo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinutukan umano siya ng baril kaya wala na siyang nagawa. Pagkatapos, agad siyang nagpasaklolo sa awtoridad na nagsagawa ng dragnet operation sa IBP Road hanggang maispatan ang mga suspek.

Pinara umano ng pulisya ang mga suspek ngunit sa halip na huminto ay nagtangkang tumakas ang huli kaya hinabol ng nauna. Bumunot umano ang isang suspek ng baril at pinaputukan ang mga pulis kaya gumanti ito ng putok hanggang tamaan ang backrider at mapatay. Nakatakas ang isa pang suspek.

Narekober mula sa yumao ang isang kalibre .38 revolver, isang metal jacket, at isang plastic sachet ng shabu. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.