Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robbie Antonio aaregluhin mga atraso – NBI

0 125

Aayusin ng Century Properties ang mga lehitimong reklamo laban sa bagong kompanya na itinayo ng dati nitong manager director at board member na si Robbie Antonio.

Si Robbie ay anak ng bilyonaryong si Jose Antonio na siyang founder at chair ng Century Properties.

Ipinahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit Supervising Agent Mark Santiago sa news website na bilyonaryo.com.ph, na humingi na ang abogado ni Antonio na si Atty. Howard Calleja ng kopya ng mga reklamo laban sa kompanya nitong Revolution Precrafted Properties.

“The lawyer appeared in behalf of the subject and said that Antonio will settle the legitimate claims in a peaceful and lawful manner,” ayon kay Santiago.

Nagtakda umano ng isa pang pag-uusap sa Marso 5 at hiniling ni Calleja na mabigyan ng 15 araw para mapag-aralan nito ang mga reklamo.

Nagbitiw na si Robbie sa Century Properties matapos magsagawa ng imbestigasyon ang NBI sa mga alegasyon laban sa bago niyang kompanya ang mga contractor at supplier.

Nauna nang ipinahayag ng Century Properties na nagkaroon ng special meeting ang Board of Director nila at tinanggap ang pagbibitiw ni Robbie bilang co-managing director at board member na epektibo agad.

Ayon kay Century Properties chief information and compliance officer Isabelita Ching Sales, nagbitiw si Robbie para maibuhos ang kanyang atensyon sa mga problema ng sariling kompanya at mga konektadong niyang negosyo. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.