Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robbie Antonio yari sa P21M cosmetic deal

0 98

Dalawa pang kompanya na pag-aari umano ni Robbie Antonio, anak ni Century Properties chairman Jose Antonio, ang inakusahang nanloko ng mga supplier na bukod sa pinangakuan ng exclusive contract ay dadalhin pa umano ng mga kilalang celebrity ang kanilang mga cosmetic product.

Ayon sa isang manufacturer at importer ng mga beauty product nakapagbigay na sila ng kabuoang P21 milyong cash bond sa Radiant Beauty and Selection Corp. and Resurgent Corporation para sa eksklusibong kontrata at dealership ng mga produkto, ayon sa mga reklamong hinain sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sabi ng La Belle Moi Incorporated, isang cosmetics manufacturer, lumapit sa kanila ang mga ahente ng Antonio para alukin na maging solong supplier ng mga beauty product, kapalit ng pagbabayad diumano nila ng 10 porsyento ng ‘upfront’ bond para sa P20 milyong kontrata.

“We paid the P2 million bond in 2019, but no transaction was made. They also said that some of our product line will bear the names of popular movie stars. They also did not return the money,” ayon sa representative ng La Belle sa Bilyonaryo.Com pero tumanggi na ibunyag ang pangalan.

Ang Korean product importer naman na si Allan Navasero ay dumulog sa NBI-Special Action Unit para maghain din ng reklamo kay Antonio.

Aniya, nakapagbigay na siya ng kabuoang P19 milyon sa dalawang kompanya ni Antonio para maging sole supplier ng mga Korean beauty product. Bilang bahagi ng deal, nag-request pa ang grupo ni Antonio ng mga sample mula sa Korea na nagkakahalaga ng nasa P250,000 at P350,000 kada sample.

“Except for a single transaction worth P2 million, nothing followed,” sabi ni Navasero.

Sabi pa ni Navasero, naisanla na niya ang ilang mga property para mabayaran ang mga investor na nahikayat niya para sumama sa Resurgent – isang multi-level marketing network ni Antonio.

“We thought it was a breakthrough for us because Antonio is a big deal, but it turned out to be a scam,” sabi pa ni Navasero.

Samantala, ipinahayag naman ng Revolution Precrafted, kompanyang pag-aari rin ni Antonio, na nakikipagtulungan sila sa mga awtoridad para maresolba ang reklamong isinampa ng kanilang mga contractor at supplier sa NBI kaugnay sa hindi natuloy na mga prefabricated luxury home project na nagkakahalaga umano ng P150 milyon.

“We are fully cooperating with the authorities on this and we are committed to address theses issues with our contractors and suppliers,” ayon kay Michael Bilgera, director at corporate secretary ng naturang kompanya na tinayo ni Antonio.

Pahayag ni Antonio, katulad ng ibang kompanya ay hindi rin sila nakaligtas sa COVID-19 pandemic na malaki ang naging epekto sa kanilang sales, collections at operation.

Subalit tiniyak nito na kanila umanong aayusin ang mga lehitimong contractual obligation sa mga partner at supplier bagama’t humihingi sila ng konsiderasyon para maayos ito. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.