Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robi ‘iniisnab’ na ni Alex

0 271

NI: ARCHIE LIAO

Sa kanyang vlog, natanong si Robi Domingo ng kanyang panauhing si MaxineJiji kung may pagkakataon ba sa kanyang karera na nainggit siya sa isang katrabaho.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik ang TV host at deretsahang sinagot ang tanong.

Ani Robi, it’s more of regret daw ang naramdaman niya kesa inggit.

All the while, akala ng mga netizen na tinutukoy niya ay ang mga suki ng game, reality at entertainment shows sa pagho-host na sina Luis Manzano at Billy Crawford na namayagpag ang karera sa nasabing larangan.

Gayunpaman, tinumbok niya na ang naturang kasamahan ay ang PBB housemate na si Alex Gonzaga.

Sey pa niya, happy raw siya sa tinatamasang tagumpay nito bilang Youtuber na sa kasalukuyan ay meron nang 10 million subscribers.

Noon daw kasi ay iniimbitahan na siya ni Alex sa makipag-collab pero dahil daw sa sobrang abala ay hindi niya ito nabigyan ng pansin.

Ito raw kasi iyong g na g times niya na kailangan niyang kumayod para mabuhay.

Ngayon, dahil sa dami ng subscribers sa social media at pagiging top moneymakers sa Youtube, keri na raw nitong gumawa ng sariling content.

Dahil sa pagiging busy, kaya na rin kasi ni Alex na mang-isnab sa kanya.

Sa huli, umaasa naman si Robi na minsan ay makakasama niya ang TV host-actress sa kanyang vlog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.