Abante Tonite Interactive

Robi, Iza, Barbie nanghinayang sa JaDine

487

Ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre ang maituturing na Team Real.

Katunayan, nauna pa silang umamin sa KathNiel at sa LizQuen.

Mula pa noong “On The Wings of Love” days, marami na ang kinilig sa kanyang tambalan.

Marami rin ang nagpapantasya tulad ng kanilang fans na tulad ng ibang love teams ay mauwi sa kasalan ang kanilang happy ending.

Isa sa mga nanghihinayang sa kanilang breakup ay ang Kapamilya TV host na si Robi Domingo.

Sa kanyang socmed account, nag-post siya ng “OTWOLista forever” kung saan ipinakita pa niyang suot ang bracelet na pinasikat noon ng JaDine.

Bukod kay Robi, marami ring celebrities tulad nina Bianca Gonzales, Iza Calzado, Barbie Imperial, Kim Molina at iba pa ang nanghihinayang na nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. (Archie Liao)