Abante Tonite Interactive

Robi nagpaalam sa ina na magpapakasal

296

Umani ng samu’t saring reaksyon ang bagong episode sa YouTube ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo.

Sa nasabing episode, kinapanayam niya ang kanyang inang si Dra. Mary Ann Domingo at nagtanong dito kung puwede na siyang mag-propose sa girlfriend niyang si Macqui Pineda sa susunod na taon.

Natulala ang mom ni Robi at hindi nito agad nasagot ang anak.

Pagkatapos noon ay nagbigay naman ito ng go signal sa host at occasional actor.

Bagama’t maraming naaliw sa conversation ng mag-ina, meron din namang nadismaya sa host ng “Unlisted”.

Trenta anyos na raw kasi si Robi, nasa marrying age na at kung tutuusin, hindi na nito kailangan ang parental consent para mag-asawa o mag-propose sa nobya.

Meron ding nagtanggol sa TV host dahil wala raw naman silang nakikitang masama sa pagiging ‘mama’s boy’ nito.

Bago pa kay Macqui, nagkaroon ng relasyon sina Robi at ang TV broadcaster na si Gretchen Ho na nang lumaon ay nauwi sa hiwalayan. (Archie Liao)