Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robie, Biboy ‘di naiinip

0 296

Maglilimang buwan ng nakatengga sabong at labis na ang pagkainip ng mga sabungero.

Pero sa FireBird GameFarm ni Biboy Enriquez, hindi sila nakakaramdam ng inip.

Ayon kay lady gaffer Robie Panis hindi sila naiinip, nami-miss nila ang sabong dahil simula pa noong March ay itinigil na ang mga hackfights at derby.

Related Posts

“Dito sa amin sa FireBird Gamefarm, hindi po kami naiinip, nami-miss lang po namin ang sabong, ang dami kasing puwedeng gawin sa farm nandun ‘yung mag-harvest at mag-breed dahil tuloy pa rin kami sa pagbi-breed,” kuwento ni Panis nitong Linggo sa Abante Radyo Tabloidista “Usapang Ruweda” na napapanood mula ala-1:00 nang hapon hanggang alas-2:00 nang hapon sa YouTube, Abante Facebook at Abante website.

Inamin ni Panis na marami pa rin silang buyers kaya hindi tumitigil sa pagpaparami ng iba’t-ibang bloodlines ng manok.

Pinanapos ni Robie na malaking epekto ang coronavirus dahil nasalto ang kanilang mga aktibidades tulad ng seminars.

Leave A Reply

Your email address will not be published.