Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robie: Tupada ‘di pa puwede

0 268

Pati si Robie Panis ng FireBird GameFarm nakikiusap sa mga sabungero na umiwas muna sa mga tupada at hackfights dulot ng panganib ng COVID-19.

May mahigit na 100K followers sa kanyang FB account, pinayuhan ng kilalang lady gaffer ang lahat na huwag munang magtupada dahil may hakbang naman si Games and Amusements Board, (GAB) chairman Abraham Mitra para makabalik ang sport sa lalong madaling panahon kapag nailabas na ang health guide.

Umawra sa Abante Radyo Tabloidista “Usapang Ruweda” kahapon si Panis na ang host ay si Abimelech Dawa. Napapanood ang replay ng programang live tuwing Linggo ng ala-1:00 nang hapon hanggang alas-2:00 nang hapon sa YouTube, Abante FB at Abante Online.

Leave A Reply

Your email address will not be published.