Abante Tonite Interactive

Robin-Aljur pinagbati ni Mariel

3,254

IBINIBIGAY ni Robin Padilla ang kredito sa asawang si Mariel Rodriguez sa ginawang pamamanhikan ni Aljur Abrenica.

Sa post ni Mariel sa kanyang Instagram wall ng ilang mga photos na kuha sa get-together ng pamilya, nilagyan niya ito ng caption na @marieltpadilla, “Because FAMILY is everything”.

Nag-comment naman si Robin sa post ng asawa at nagpasalamat ito sa  effort na ginawa nito para maayos ang lahat.

@robinhoodpadilla, “ikaw ang naging tulay @marieltpadilla maraming salamat at hindi ka nagsawa.”

Maxine  inilampaso sina Ariella at Winwyn

 NAGMISTULANG parang may sexiest-beauty queen pageant sa social media dahil sa mga sexy photos nina Maxine Medina, Ariella Arida at Winwyn Marquez kanilang IG account.

Ayaw nilang paawat na ibalandra ang kaseksihan nilang  suot .

Nakakapag-init ng katawan ang alindog ni Maxine na kuha sa tabing dagat. Hindi nagawang sapawan ng crystal clear water ang angas ng katawan ng Miss Universe 2016 Philippine representative.

Sa kapiranggot na suot nito halos kabibe na lang niya ang natatakpan ng tela.

Lumabas talaga ang nakapaglalaway niyang pigura.

Related Posts

Hindi rin puwedeng isnabin ang kaseksihan ni Ariela sa photo niya sa tabing dagat.Natatakpan ang buong hiyas ni Ariela. Pero lutang  pa  rin ang magandang hubog ng pigura niya.

Super hot din sa two-piece floral bikini si Winwyn Marquez. Walang dudang namana ni Winwyn ang kaseksihan ng kanyang inang si Alma Moreno.

Sa mata ng mga maielyang kalalakihan, wala silang tulak kabigin sa tatlo. Pero para sa amin, inilampaso ni Maxine sina Ara at Winwyn. Mas angat ang alindog nito kumpara sa dalawa.

Boom!

Daniel nag-propose na sa gf

NATUPAD na ang pangarap at plano ni Daniel Matsunaga na makasama ulit ang kanyang Polish girlfriend na si Karolina Pisarek.

Nalulunod sa pag-ibig ngayon si Daniel kung ibabase ito sa mga mensahe niyang love messages sa social media.

Dalawang beses dumating sa Pinas si Karolina para lang makasama ni Daniel. Noong bago mag-Pasko at nitong holiday season.

Isang buwan lang ang pagitan pero na-miss agad ni Daniel ang kanyang dyowang tisay kaya tinagpo ulit ang girlfriend. Ibig sabihin, baliw na baliw sa pag-ibig ang Brazilian actor.

Hindi sinabi ni Daniel kung saan sila nagkita pero ipinapalagay ng kanyang mga followings na nagpunta sa Polandang actor. Tinutukso nga si Daniel ng kanyang mga fan na baka mag-propose na ito ng kasal kay Karolina lalo’t nakita sa photo na ka-join ang parents ng huli.

Sa mga nakaraang panayam kay Daniel, sinasabi nitong handa na siyang bumuo ng sarili niyang pamilya. Ready na siyang magpakasal, magkaroon ng asawa’t mga anak.