Abante Tonite Interactive

Robin bino-blow dry ang buhok ni Mariel

1,642

Parang reyna naman pala talaga kung ituring ni Robin Padilla ang asawang si Mariel Padilla na hindi rin naman namin pinagtatakhan dahil ganito naman talaga ang action star kapag nagmahal ng babae base na rin sa kanyang track record.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Mariel ng larawan nila ni Binoe na may hawak na hair dryer ang mister. Sa caption ay ibinahagi ng TV host kung gaano ka-sweet ang asawa sa kanya to the point na ibino-blow dry pa ang kanyang buhok.

“Photo was taken after our dinner in Malacañang… i never sleep with products on my hair… so i showered and was about to sleep. He doesn’t like that… me sleeping with wet hair so he dried it for me. He is sweet like that,” ang simula ng caption ni Mariel.

“Even when i go to work he asks me if i have a towel on my back (everyday yun ah) so my shirt doesn’t get wet and I don’t get sick. He is caring like that. On random days he sends me food while i am at work. He is thoughtful like that,” patuloy pa ni Mariel.

Ang pinakamatindi ay ang kuwentong ibinili raw siya ng bagong van ni Binoe para maisama niya ang buong barangay kapag nagta-travel siya with their daughter, Isabella.

“When he saw that i would bring the whole barangay when Isabella and i would travel he bought her a new van. He is gene-rous like that.”

Sa pagtatapos ng post ni Mariel ay pinasalamatan niya ang kayang hari sa lahat ng ginagawa nito para sa kanya at sa anak nila.

“If I don’t say it enough… i want to say it out here how much we appreciate you and all that you do for us. The truth is i am blessed because i know you will support us but you allow me to work because you know it’s part of me being me so you allow me to be me.

“Most of the time i am so busy with Isabella that i barely have any time for us. I miss us too. I want to congratulate you for the hard work you did during the last few months and you did it honorably. We are so proud of that… we are so proud of you! To my King i love you @robinhoodpadilla,” ani Mariel.

Isang netizen ang nambasag ng trip at nagkomento ng “What happened to the photo with the girls on his lap? Okey lang sa iyo?”

Kalma namang sinagot ito ni Mariel ng “ang babaw nun. Our marriage is so much stronger than that.”