Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin di feel patusin si Mocha

0 209

NI: ARCHIE LIAO
Enero nitong taon nang maging laman ng isyung nabuntis umano ni Robin Padilla si Mocha Uson.

Sa kabila ng mga paratang, walang opisyal na naging pahayag ang actor tungkol sa nasabing kontrobersya.

Pero kamakailan, nagbigay na ng kanyang statement si Binoe sa isyu ng pagkaka-link niya kay Mocha.

Ani Robin, wala raw katotohanan ang nasabing isyu.

“Si Ma’am Mocha [Uson] po, isa po yan sa ginagalang natin na talagang Number One DDS po yan. Talagang saludo po tayo d’yan sa pagmamahal niyan kay pangulong DRRD,” panimula ni Binoe.“Kami pong dalawa hindi naman po kami siguro gagawa ng bagay na magbibigay ng—number one—kahihiyaan sa mahal na pangulo,” dugtong niya.

Sa mga nagsulat namang idinaan pa sa blind items, sa halip na mairita ay tila sarkastiko pa itong nagpasalamat dahil sa tinawag umano silang sikat sa kanilang mga artikulo.

“At kung ano man po ’yong tsismis na ’yon, proud po kaming dalawa at… anong tawag doon? Blind item? Opo na-blind item kami. At least po doon, sinabi sa blind item na mga sikat. Kaya proud na rin po kami dahil napabilang kami doon sa sinasabing mga sikat na ganito…Kaya maraming salamat doon sa artikulo na ’yon.”

Bilang pagtatapos, nilinaw rin niya ang tunay na kaugnayan nila ni Mocha.

“Pero wala pong katotohanan ’yon. Ginagalang ko po yan si… lahat naman po, kahit ’yong mga inibig ko, e, ginagalang ko rin. Pero ibig ko pong sabihin doon sa usaping ginalang ay ’yon pong kanyang s’yempre alam ko din naman po na kung sino ’yong nagmamahal sa kanya.” ani Robin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.