Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin ‘di inasahan numero uno sa Senado: Wala akong makinarya at pera

0 52

Bagamat hindi inasahan ni Robin Padilla, siya ang nanguna sa senatorial race sa unofficial tally ng Comelec.

Via Zoom ay natanong si Binoe kung ano ang masasabi niya dahil siya ang number one sa partial result ng senatorial race.

Pero kahit unofficial, hindi pa rin siya natitinag sa unang puwesto.

Ani Robin: “Nagulat nga po ako dahil hindi ko po akalaing ako ang magna- number one dahil unang una po wala naman po akong makinarya,” deklara niya.

Sinabi rin niya na wala siyang pera na pantustos sa kampanya.
Pinasalamatan niya ang UniTeam dahil nasama siya sa grupo lalo na kay Inday Sara. Ganoon din sina President Rodrigo Roa Duterte ,Senator Bong Go at ang pag-endorso ng INC (Iglesia Ni Cristo).
“Pinasasalamatan ko rin po ang mga kapatid kong Muslim. ‘Yun lang po ang meron.ako,” sey pa ni Binoe

Susog pa niya, hindi raw siya naniniwala na kaya nasa no. 1 siya ay dahil artista siya kundi dahil sa plataporma niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.