Abante Tonite Interactive

Robin, Gabby hula sa love letter ni Sharon

By
2,105

tonite-imo-vinia-vivarNiregaluhan ni Sharon Cuneta ang kanyang mga hater at basher sa pamamagitan ng pagpo-post ng lumang love letter ng isa sa kanyang naging ex-boyfriends.

‘Yun nga lang, nilag­yan niya ng black ink ang love letter para hindi mabasa ang sulat. Tanging­ mababasa mo lang ay ang heading na “my lo­ving wife (to be).”

Sa caption, anang Megastar, Gusto ko magbigay ng gift sa mga hater at basher ko! Para naman di nila isipin na di ko pinapaalala sa inyong isipin na ipaisip sa akin na isipin ko sila! Magpost kaya ako ng isa sa love letters ng isa sa dalawang tao lang na pinakaminahal ko before I met Kiko?! Ang saya di ba?!!!!!!! Hahahahahahaha! Joke!”
Kahit hindi nga mabasa ang love letter, bilib naman kami sa mga fan na talagang pinilit talaga itong basahin.

Kanya-kanya silang komento ng kanilang nabasa.

Naawa nga kami sa mga nagkomento na nagkandadaduling na raw sila sa pagbasa ng sulat.

May mga nagpayo na i-zoom-in daw ang photo para mabasa.

‘Yung talagang nagkagulo sila sa thread sa pagbasa ng letter.

Pero bibilib ka naman sa iba dahil nabasa nila ang nakasulat.

Heto ang nilalaman daw ng love letter ayon sa ilang mga fan na nagtiyagang basahin:
“My loving wife to be, Please don’t ever doubt me cause always remember that we’re both lucky in this world bacause lagi tayong naloloko di ba. I love you very much..”

Nagtatanong ang mga fan kung kanino raw kaya galing ito at kanya-kanya silang hula. May nagsabing penmanship daw ito ni Robin Padilla at may humula namang kay Gabby Concepcion na ex-husband ni Mega.

Pero in fairness naman kay Sharon ha, naitago pa niya ang love letter na ito.

 

 

Maritoni na-trauma kay Alden

Nagka-trauma na si Maritoni Fernandez sa pagpo-post nila ng picture ni Alden Richards dahil katakot-takot na pangba-bash ang naranasan niya nang mag-post siya sa Instagram ng selfie nila ng Pambansang Bae last April.
Hindi lang siya ang na-bash kundi maging si Alden at dito na nga nagsimula ang ispekulasyon na may solo project na ang aktor.
“Ayoko na mag-post!” natatawa niyang sabi nang makatsikahan siya ng entertainment press sa grand mediacon ng ‘Victor Magtanggol’.
“Sobrang na-trauma talaga ako, kasi imagine, pati kasi ‘yung account ko, ‘yung IG account ko, sobrang nabugbog. Sabi ko, “wow!” Eh ang pino-post ko pa naman ‘yung mga family ko, ‘yung I love to cook, di ba? ‘Yung mga hobby-hobby ko lang. Biglang “wow”. Nung nagising ako, “what is this?” It was so crazy,” kuwento ni Maritoni.
Kaya nga raw nag-sorry siya talaga kay Alden sa nangyari.
“Sabi ko nga sa kanya, “anak, hindi na ako magpo-post ng picture natin, sorry,” sabi kong ganu’n. Sabi niya, “Okay lang, mommy.”
Anak-anakan ang turing ni Maritoni kay Alden dahil nakita raw niya ito noong nagsisi­mula pa lang at kasaba­yan ng anak niyang si Lexi Fernandez. Nagkasama ang mga ito sa youth-oriented show ng GMA na ‘Tween Hearts’ at lahat nga raw ng mga kasama sa nasabing serye ay naging parang tunay na anak ang kanyang turing.
Naaawa nga raw siya kay Alden na naba-bash pa gayung napakabait na bata. At hindi man daw sabihin ng aktor sa kanya, alam naman niyang naaapektuhan din ito sa mga bashing.
Pero bilib daw siya sa aktor na naha-handle ito nang maayos.
“He carries it so well, parang wala, pero alam ko, it must be such a burden. Kasi kahit naman sino going through this kind of ano, di ba? Kahit tayo, my gosh! Di ba, may isa lang na mang-bash sa atin, ang sama-sama na ng loob sa atin, what more kung ilang daang libo ‘yan all the time?”
Kaya naman nakikiusap si Maritoni sa mga netizen na huwag na raw i-bash si Alden.
Sa ‘Victor Magtanggol’ ay ginagampanan ni Maritoni ang papel na Alice Regalado and how ironic na sa serye, ayaw niya kay Alden who plays ‘Victor Magtanggol’.
“In the show, ayoko sa kanya. So, napakahirap, ‘di ba? Sabi ko, ‘love na love ko si Alden, tapos in the show, I have to be mean to him’,” sey pa ni Maritoni.
Magsisimula na ang ‘Victor Magtanggol’ nga­yong Lunes, July 30 pagkatapos ng 24 Oras.