Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin Hood umarangkada

0 34

Niladlad ni Robin Hood ang tikas para angkinin ang korona sa katatakbong 2022 Philippine Racing Commission (Philracom) Chairman’s Cup Division II na nilarga sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan, Batangas.

Nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce, hindi niya pinilit mauna si Robin Hood sa una at hinayaang hawakan ni King Tiger mula sa largahan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tangan pa rin ni King Tiger ang dalawang kabayong bentahe sa mga humahabol na sina Moment Of Truth, Robin Hood at Golden Sunrise pa-back stretch. Pero palapit sa huling kurbada, kinapitan na ni Robin Hood si King Tiger at sa rektahan hinablot ng winning horse ang unahan kahit kumasa pa rin sina Magtotobetsky at Hookbung Dagat.

Sinikwat ni Robin Hood ang P450K na premyo sa event na suportado ng Philracom sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.