Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin ilalarga pederalismo, pakner si Carlos

0 95

Pursigido si Senator-elect Robin Padilla na ilarga ang kanyang adbokasiya na palitan ang sistema ng gobyerno at inanunsiyo ng aktor sa social media na nakakuha siya ng pakner para isulong ang pederalismo sa katauhan ni dating University of the Philippines (UP) professor Dr. Clarita Carlos.

Inilahad ni Padilla sa kanyang Facebook post na makakatulong niya si Carlos sa pagsusulong ng pederalismo.

“Mga kapanalig kasama na po ni Robin si Wonder Woman Mam professor Dr Clarita Carlos,” sabi ni Padilla.

Ibinahagi pa ng aktor ang isang video clip kung saan ikinatuwa ni Carlos na nanalong senador si Padilla.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Carlos na bilib siya sa lalim ng kaalaman ni Padilla tungkol sa pederalismo.

“I think that gave him the number one position in the Senate. That made the day for him kasi people set aside the fact that he has a nice face, that he’s an actor, that actor really has something between his ears and I like that,” sabi ni Carlos sa DZEC.

Umaasa rin si Carlos na ipahawak kay Padilla ang pamumuno sa Senate committee on constitutional reforms.

“Nagpasabi na ko tutulong sko sa kanya na isulong ang constitutional reforms,” dagdag ni Carlos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.