Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin inaming hiwalay na sina Kylie, Aljur

0 119

NI: ARCHIE LIAO

Straight from the horse’s mouth, inamin ni Robin Padilla na hiwalay na sina Kylie at ang mister nitong si Aljur Abrenica.

Ito ay ibinunyag niya sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito.

Ani Robin, naniwala raw siyang may third party na involved sa hiwalayan ng dalawa.

Hirit pa niya, wala raw naman siyang sama ng loob kay Aljur dahil lalaki ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naiintindihan daw niya ito bagamat hindi kinakampihan dahil tulad niya may panahong natutukso rin daw siya bilang lalaki.

Isa lang daw ang naging babala niya sa aktor noon:ang huwag sasaktan si Kylie.

Ayaw rin niyang mamagitan para magkaayos ang dalawa dahil nababaduyan daw siya sa ganoong pakikialam.

Ang tanging iniutos lang daw niya sa mga ito ay itigil ang kanilang emote o bangayan sa social media.

Naniniwala rin siyang sina Aljur at Kylie lang ang makakaresolba ng kanilang mga problema lalo pa ‘t feeling niya ay mahal pa nila ang isa’t-isa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.