Abante Tonite Interactive

Robin inokray ang pagrespeto sa Holy Week

580

Ginisa ng aktor na si Robin Padilla ang mga nagkomento sa larawan niya kasama ang apo na si Queenie Padilla.

Ito ay dahil sa pakikisama niya sa mga Kristiyano ngayong Holy Week.

Nilinaw ng aktor na bilang Muslim ay marapat lang umano niyang irespeto ang mga Kristiyano bilang pagrespeto rin ng mga ito sa Ramadan.

Ayon pa sa aktor, nagsasagawa rin umano sila ng pra­ying fasting bilang pagbigay ng respeto sa pananampalataya ng mga Kristiyano.

Paalala niya sa mga bashers, “Mahirap bang tumahimik kapag wala kang sasabihin na maganda sa kapwa mo. Mag ingay kayo kung may maganda kayong ipapahayag sa kapwa niyo o sa bayan. Magbago na kayo wow!” (Ronaline Avecilla)