Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin ‘kinastigo’ sina Kylie, Aljur

0 219

NI: ARCHIE LIAO

Naging usap-usapan ang cryptic posts kamakailan ni Kylie Padilla sa nagbigay ng iba’t-ibang espekulasyon tungkol sa estado ng kanilang pagsasama ng mister na si Aljur Abrenica.

Matatandaang nag-post si Kylie ng tungkol sa “more self-love” at pagiging “free.”

Dahil dito, nanganak ang haka-hakang “on the rocks” na ang marriage ng dalawa.

Sa pinakabagong post naman ni Kylie, ipinakita niya ang larawan ni Aljur habang karga ang kanilang anak at nakikipaglaro ito.

May caption itong “This” na may emoji ng prayer.

SM food to go Banner Ad

Nag-react ang mga netizen at sinabing pagkatapos ng drama sa socmed ay nagkabati na ang mag-asawa.

May mga nagbunyi naman na naayos ng showbiz couple ang kanilang gusot.

Meron din namang na-turn off dahil idinaan pa raw nila ang kanilang problema sa social media gayong puwede raw naman nila itong pag-usapan.

May mga kate-katera namang nagsabing baka kinastigo umano ni Robin ang dalawa sa kanilang away mag-asawa.

Ilang bitchy netizens din ang nagsabing baka natakot umano si Aljur kay Binoe o hinilot ni Binoe ang sigalot ng mag-asawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.