Abante Tonite Interactive

Robin kinondena ang pagpapatalsik kay Digong

2,428

NI: RONA RONDA

Naglabas ng sama ng loob ang aktor at kilalalang supporter ni Duterte na si Robin Padilla. Nagsalita na siya hinggil sa mga taong nagnanais na mapatalsik ang pangulo sa kanyang posisyon.

Nitong gabi ng Miyerkules, April 1 ay nagtrending sa Twitter ang hashtag na #OUSTDUTERTENOW dahil sa naging statement ng Pangulo sa ginanap na press briefing sa Malacañang.

Sey ni Robin, dapat umanong mag-concentrate ang mga Pinoy sa pagtutulungan .

“Hindi ito ang oras para magpagalingan sa salita at tula lalo ng talumpati nakalipas na ang panahon na yun sapagkat ito na oras ng aksyon at paglakad kung maari ay pagtakbo upang makagawa ng mabuti hindi lamang sa kapwa kundi para sa sarili unang una,” saad ng kanyang post sa Instagram

Ayon pa sa aktor, ang virus umano ang dahilan ng paggising ng mundo at ang higit din na nakikinabang dito ay ang inang kalikasan.

Dagdag pa niya, “may mga napapabayaan ng nga LGU pero yun ang paraan para makilala ninyo ang inyong mga pinuno meron naman tumutulong ng walang kapalit hindi sa nais na magpakilala kundi dumaramay lamang at nakikipagkapwa tao.”

Kaya’t kung wala naman umanong sasabihin na maganda o makakatulong ay manahimik na lamang . Tumulong na lang daw sa mga frontliners.

“Magtiwala tayo sa Panginoong Maylikha dahil nasa kanya ang awa kumilos tayong lahat dahil nasa atin ang gawa nobody will do the battle for us in this war! “all of us are in this war! all of us are soldiers this is not the time for politicking and speeches destabilizing the GOVERNMENT now is clear treason. We cannot surrender the fight we fight together we will win! we fight among ourselves we lose….and we cannot be the author of our own extinction as filipinos God forbid God have mercy,” sey pa niya

Tonite – Wendys Inhouse Ad