Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin level up kina Jovy, Gloria, Tito, Loren

0 50

Mapapabilang ang action star na si Robin Padilla sa `elite list’ ng mga personalidad na nanguna sa senatorial election sa kasaysayan ng bansa.

Nangunguna ngayon si Padilla sa partial and unofficial results ng Commission on Elections (Comelec) sa pagka-senador kung saan ay mahigit 26 milyong boto na ang naitala para sa kanya.

Kapag dineklara ng Comelec na si Padilla ang top 1 sa senatorial election ay makakasama siya sa `elite list’ ng mga kilalang personalidad sa politika na naging number 1 tulad nina Jovito Salonga (1987), Vicente `Tito’ Sotto III (1992), Gloria Macapagal-Arroyo (1995), Legarda (1998 at 2007), Noli de Castro (2001) at Mar Roxas (2004).

Kabilang din sa mga nanguna sa senatorial elections sina Ramon `Bong’ Revilla Jr. (2010), Grace Poe (2013), Frank Drilon (2016) at Cynthia Villar noong 2019. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.