Abante Tonite Interactive

Robin-Mariel ayaw ng pangatlong anak

521

Sa Amerika pala ulit nakatakdang manganak si Mariel Padilla sa second baby nila ni Robin Padilla.

Matatandaang sa US din nanganak ang TV host sa panganay nilang si Isabella three years ago.

In fact, nakatakda na nga raw mag-leave si Mariel sa “It’s Showtime” dahil gusto muna niyang magkaroon ng oras para sa kanyang mag-ama bago siya umalis.

“Magli-leave ako kasi I want to spend time with Robin also, kami ni Isabella. Magli-leave muna ako sa work. Thank you so much sa ABS-CBN, sa ‘Showtime’ family kasi naiintindihan nila na kailangan ko,” pahayag ni Mariel sa guesting niya sa “Magandang Buhay”.

“Siyempre I need to spend time with Robin also before Isabella and I fly to States to get ready when I give birth,” sey pa ni Mariel.

It was revealed na girl ulit ang ipinagbubuntis ng TV host at may name na sila for the baby na si Robin ang nakaisip. Gabriella ang pangalan ng kanilang second daughter na ayon kay Mariel ay inspired kay Gabriella Silang dahil nga masyadong makabayan ang action star.

Pero stop na raw si Mariel sa 2 kids at hindi na raw niya hahangarin pang magkaroon ng baby boy. Sila raw kasi sa pamilya ay dalawang magkapatid na babae lang at sobrang happy na sila. Maging ang mister niya ay ayaw na raw ng pangatlo pang anak.

At the end of the show ay nahilingan ang mag-asawa na magbigay ng pangako sa isa’t isa on national television.

“Wala namang nababago sa ipinangako ko sa iyo noong tayo ay sumumpa at ikinasal sa India. Lahat ng sinabi ko noon. Ikaw ang nananatiling lakas ko. Alam ko sa mga panahon ngayon lagi akong nasa alanganin. Mahal na mahal kita tandaan mo ‘yan, iniibig kitang tunay,” saad ni Robin na ramdam na ramdam mo ang sinseridad kaya naman hindi napigilan ni Mariel ang mapaiyak.

Sey naman ni Mariel, “whatever happens, I will remain faithful. I will remain loyal. I will remain hopefully your sunshine, to make you happy always, to take care of our children, to raise them how I know you want them to be, that’s my promise to you. To love you and honor you always.
“Parang wedding vows. I love you.”

Ogie sinuportahan ang asawa

Nag-iwan ng napakagandang mensahe si Ogie Alcasid para sa kanyang asawa na si Regine Velasquez. May kaugnayan ito sa basher na nagsabing hindi naabot ng Songbird ang high notes sa kantang “On the Wings of Love” na inawit sa “ASAP” Bay Area.

“My love, we are always proud of you because you sing to the one who gave you the voice. You honor him with what you have and you give it your all. He In return never judges and will never put us down because in his eyes we are exceptional. You are #exceptional my love @reginevalcasid,” sambit ng singer-actor.

Nadine excited maging hurado

After the musical-dance film na “Indak” ay sinabi na ni Nadine Lustre na she needed a break kaya nga tinanggihan na niya ang Metro Manila Film Festival entry na “Miracle in Cell No. 7” with Aga Muhlach.

For this year ay nakakadalawang pelikula na raw siya, ang “Ulan” at ito ngang “Indak” at dito sa last film daw siya talaga medyo napagod dahil sa mga katakot-takot na rehearsals na ginawa nila for the dance sequence.

Bukod dito ay naghahanda na rin si Nadine para sa bagong reality show sa ABS-CBN na “Your Moment”. Isa siya sa hurado at makakasama niya si Boy Abunda.

“So, medyo marami na rin po akong nagawa para sa taon na ito, so I really think na it’s time for me to relax,” sabi ni Nadine nang makatsikahan ng press sa red-carpet premiere night ng “Indak” na ginanap sa SM Megamall.
Wala naman daw out of the country or out of town silang pinaplano ni James Reid. Dito lang daw sila at kumbaga, gusto lang niyang mag-recharge.

Pero parang hindi nga rin daw bakasyon ang mangyayari dahil nga naghahanda na sila sa “Your Moment” na eere sa first part of 2020.

Excited na rin si Nadine sa “Your Moment” dahil ito ang first time niyang magiging judge in any competition show. When asked kung may ibinigay bang payo sa kanya si James na as we all know ay judge ng “Idol Philippines”, sey niya, “Wala naman po kasi ako, I’m just really honest ‘pag nagja-judge and with our show, parang it’s more of entertainment. Ako, I love being entertained so kung ano ‘yung nararamdaman ko, sinasabi ko lang naman.”

Ready naman daw siya sa mga bashers if ever dahil alam naman daw nating hindi maiiwasan ito.

Samantala, parehong ipinagmamalaki ni Nadine at leading man na si Sam Concepcion ang pelikulang “Indak” dahil ito raw ang klase ng pelikula na matagal nang hindi napapanood ng mga tao.

“At least, here in the Philippines, medyo matagal nang walang dance movie,” sey ni Nadine.

Dagdag naman ni Sam, “and hindi natin alam when it’s gonna happen again.”

Showing na sa mga sinehan ang “Indak” ngayong araw na ito, August 7, mula sa direksyon ni Paul Basinillo. Kasama rin sa pelikula sina Julian Trono, Karencitta, Kadebon Colim, Race Matias, Nicole Omillo, Vitto Marquez at marami pang iba mula sa Viva Films.