Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin, Mariel nagtalo sa bakuna

0 390

Ibinalita ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez na nakapagpa-register na sila pati na rin lahat ng kasambahay nila para sa bakuna laban sa COVID-19.

Ipinost ni Robin ang video nila ni Mariel kung saan ay kinukuwento nga nila ang ginawang pagpaparehistro. Ayon kay Binoe sa caption, eversince raw ay hindi siya naniniwala sa vaccine at halos ayaw na ayaw raw niyang binabakunahan ang mga anak niya. Kailangan pa raw ng mahabang pagtatalo bago siya pumayag.

Pero naiba raw ang mindset niya dahil sa COVID-19 at ngayon, naniniwala siyang ang bakuna raw ang tanging pag-asa para bumalik sa normal ang lahat.

Parehas lang po tayo natatakot pero wala po tayo magagawa sa ngayon kundi ang sumugal na vaccine.

“Hirap na po ang lahat at bago pa tuluyang manghina ang ating mga katawan sa pagkabalisa kunin na natin ang pagkakataon na ito para matapos na ang virus na ito.

“Maging ma ingat na lang po tayo sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga tunay na nakakaalam sa gobyerno patungkol sa mga kinakatakutan natin sa pagpapabakuna.

“Ihanda ang isip at ang katawan dahil ang pinakamahalaga po kasi dito ay maniwala tayo sa isasaksak sa atin para magkaroon ng magandang epekto.

“Mga sundalo po tayo lahat ngayon sa laban na ito sa corona virus at ang tanging available na sandata natin ay ang vaccine.

“Magtiwala tayo sa Panginoong Dios at sa world health organization wala pong maitutulong sa atin ang pagrereklamo at pagtatalo. Ito na po ang oras para magtulong tulong para bumangon ang bayanmlets DOH it! Panoorin po ninyo sa facebook ni mariel rodriguez padilla ang buong pagtatalo ng video na ito,” ang parte ng mahabang caption ni Binoe.

Sa video ay nakakatuwa ang naging pagtatalo ng mag-asawa. Ibinuking kasi ni Mariel na gusto na raw sana niyang sumabay sa pagpapabakuna ng lolo at lola niya since senior citizens ang mga ito pero hindi raw siya pinayagan ni Binoe.

“Pinigilan ako ni Robin. Ako talaga, gusto ko nang pumunta do’n, sabi ko, ihahatid ko ang lolo at lola ko, siyempre pag nandu’n na ako, baka naman tuturukan na nila ako, di ba? Ayaw (ni Robin), pinigilan ako!” kuwento ni Mariel.

Sabi naman ni Binoe, “hindi pwede! Wala ka pa ru’n sa priority.”

Sey pa ng action star, “ang sabi kasi sa batas, frontliner saka senior citizens (ang priority).”

Sey naman ni Mariel ay naiintindihan naman daw niya. Pero sa bandang huli ay binalikan ni Binoe ang usapang ito at nagdagdag ng paliwanag na hindi naman daw niya ayaw na maunang mabakunahan si Mariel.

“Teka muna, babe. Wala naman akong problema ro’n na mauna siya. Kasi, sa akin naman, magandang example ‘yun sa mga tao. Na makita nila na si Mariel, hindi natakot, nagpabakuna.

“Ang problema ko, Babe, ang daming mga taong gagawa ng istorya, ang sasabihin, nagpa-VIP ka,” paliwanag ni Binoe.

Pagkatapos ay tinanong niya si Mariel kung hindi na ba ito galit at sinagot naman ni misis na hindi naman daw siya galit at na-gets naman daw niya.

“O, kiss mo na ‘ko,” sey ni Binoe kay Mariel na sinunod naman ng huli.

Angel walang stress sa kasal

Ikinuwento ni Angel Locsin na chillax bride lang daw siya at ang fiancee niyang si Neil Arce ang groomzilla which means ito raw talaga ‘yung nag-aasikaso at sinisigurong magiging maayos ang nalalapit nilang kasal.

“Chill lang ako. As in sobrang chill ko. Natapos ko nang lahat ang planning namin noong early stage pa lang,” sey ni Angel sa online interview with Cinema One.

Matatandaang nakatakda sanang ikasal sina Angel at Neil noong Nobyembre last year pero kinailangan nila itong i-postpone because of the pandemic. So, nagplano sila ulit at binago ang ilang detalye alinsunod sa safety protocols.

“Si Neil, meron siyang kunyari, tatlong options. Pipili lang ako do’n kung ano’ng ok, kung sino ang wedding planner, kung sinon’g stylist namin, ganyan. Kung sinon’g photographers, kung sinon’g videographer namin, pipili lang ako. Nandu’n na, na-screen na niya ‘yun. Pipili lang ako sa tatlong ‘yun. Yes or no lang ako. Ganu’n lang. Ang saya lang,” natatawang tsika ni Angel.

Dagdag pa niya, “iba pag tumutulong ‘yung fiancé mo sa preparations, eh.”

When asked kung ano talaga ang naramdam niya sa pagkaka-delay ng wedding, ani Angel ay hindi na raw niya magawang mag-complain pa.

“Alam mo, hindi ako makapag-complain. Siguro, na-move lang ‘yung mga plano namin, pero hindi kami talaga totoong naabala. I mean, para sa amin, hindi abala ‘yun. Sa rami ng mga cancelled weddings, cancelled events, naghihirap ‘yung event community.

“Parang hindi ako makapagreklamo. Parang wala tayong choice ngayon kungdi mag-adjust. Hindi pwedeng ‘yung kung ano ang gusto natin. Itong pandemic na ito, natutunan ko kung paano mag-compromise, hindi ‘yung kung ano ang gusto natin.

“Marami nang mga pangyayari na nagpa-realize sa akin na hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati. Kailangan na nating matutong mag-adjust para mag-survive,” pahayag ni Angel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.