Abante Tonite Interactive

Robin: Masaya kaming ‘Dutertards’

1,259

Nakipagsagutan si Robin Padilla sa kanyang mga ba­sher sa social media.

Ani Robin, sa mga hindi sang-ayon sa kanilang paniniwala ay huwag nang mag-aksayang tumambay sa kanyang Instagram account at lumipat sa kanilang mga “kakulay”.

Marami raw mga deg­ree holder kaya doon na­rarapat ang mga basher na makipagtalastasan sa kapareho ng mga ito na sobrang talino.

Dagdag pa niya, masaya sila sa pagiging “Dutertards” at proud follower nina Pa­ngulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go.

Ang “Dutertards” ang tawag ng mga anti-Duterte netizen sa mga DDS o Duterte’s Diehard Suppor­ters. (IS)