Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin naghihingalo ang ipon

0 1,101

Sa kanyang latest Instagram post kahapon ay inamin ni Robin Padilla na apektadong-apektado na rin ang kanyang pamilya ng pandemic. Masikip na raw ang kanilang sinturon at naghihingalo na ang savings.

“Mga kababayan kaya natin ito Basta tulong tulong tayo. Hindi lamang po kayo ang hirap pati po kami sa aming tirahan ay masikip na masikip na ang sinturon sa pagtitipid, ang mga savings ay naghihingalo na kayat pati ang nakalaan,” ang bungad ni Binoe.

Pati nga raw ang edukasyon para sa mga bata ay nagalaw na nila pero patuloy pa rin daw ang pagkalinga nila sa kanilang mga tauhan at ang sweldo nila ay diretso rin sa suweldo ng mga ito.

“Para sa edukasyon ng mga bata ay nagalaw na pero patuloy pa rin naming itinatawid ang mga taong nasa pakpak namin, hanggat maari ayaw namin sila maghirap kayat ang aming mga sueldo ay diretso na sa kanila, ang mga pumapasok na trabaho at sueldo ay ibinibigay na rin sa mga mas nangangailangan sa malalayong lugar,” aniya.

Ang misis daw niyang si Mariel Rodriguez ay nag-negosyo na rin para makatulong sa kanilang gastusin.

“Ang asawa ko ay nag negosyo na rin Para makatulong sa aming mga panggastos halos wala ng tulog sa kakaalaga sa pamilya niya at sa pag aayos ng Karne niya pero kinakailangan niya kumilos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Walang May masarap na buhay ngayon kundi yun mga nalathala na mas yumaman nong nagkapandemya pero tayong mas nakakaraming mga pilipino ay tagilid na ang bangka at ang Iba ay taob na at naka salbabida na Lang Para hindi tuluyan lumubog,” pahayag ni Binoe.

Kasunod nito ay in-encourage ng action star ang mga kababayan na huwag sumuko at manatiling lumaban. Hinimok din niya ang mga ito na magpabakuna na at magtulong-tulong para malampasan ang krisis na ito.

“Wag tayong susuko mga kababayan magtulungan tayo …. kakayanin natin ito In shaa Allah kapag nabakunahan na tayo lahat makakaangat na rin tayo in shaa Allah manalangin Lang tayo at manalig sa Panginoong Maylikha.

“Hindi tayo pababayaan ng ating mahal na Pangulo at ng gobyerno. Tulungan din natin sila, tulong tulong tayo. Ginagawa ng lahat ng ahensya ng gobyerno ang lahat lahat para sa atin.

“Hindi lang tayo ang naghihikahos pati ang mayayaman na bansa hirap na rin sila ang lamang lang nila ay may nabubunot sila kaagad tayo ay kailangan pang mangutang, ganon talaga at tanggapin natin yun dahil hindi tayo mayaman na bansa pero kakayanin natin ito basta sama sama,” saad ni Robin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.