Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin pabor sa pag-atras ni Digong

0 569

Para kay Robin Padilla, napakaganda ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-back-out sa debate with retired Supreme Court justice Antonio Carpio.

“Napakagandang desisyon…mag antay na Lang po tayo sir Carpio sa Isang taon kapag natapos na po ang termino ng Pangulo ng Pilipinas.

“Kahit saan po kasi tingnan hindi magiging maganda ito Para sa psychological warfare laban sa kanino mang dayuhang bansa na pumukaw sa ating mga isla Malaysia sa Sabah Taiwan, Vietnam at China sa west Philippine sea,” ang simula ni Binoe sa kanyang Instagram post.

Tulad ng paliwanag ng advisers ni PRRD, ganu’n din ang opinyon ni Robin.

Maraming salamat po mahal na Pangulo at inyo pong tinanggap ang paliwanag ng inyong advisers.

“Si sir Carpio po sa ngayon ay isang retired na abogado hindi po kayo magkatapat sa ngayon we have everything to lose and he has everything to gain, sigurado naman po panalo tayo sa debate na yan pero sa mata ng mga dayuhan TALO na po tayo dahil we gave in to this attention seekers and fought within ourselves.

“It will create more division than unity. Kahit ano naman po ang gawin na natin sa ngayon wala naman na po itong magiging Magandang epekto sa kanila, sigurado po may sasabihin pa rin na pangit ang mga taong ito because they are here to destroy you and grab power as usual.

“Designating sec Harry Roque to represent you is already an honor for the retired attorney at law. Isang malaking favor na po yun para kay sir carpio. In reality no offense or insult he is a nobody now he is just enjoying the airtime that is given to him by the partisan media,” pahayag pa ng aktor na ever since ay strong supporter ni Digong.

Mensahe pa ng aktor sa Pangulo, “Mr President alam ko po gigil na gigil na kayo pero One year na Lang po ang antayin natin maari niyo na po gawin ang gusto po ninyo, pero sa ngayon po mr President we should follow the protocol of your presidency.”

@@@

SM food to go Banner Ad

Alice binunyag ang baby girl

Sa kanyang guesting sa Eat Bulaga kahapon bilang selebrasyon sa Mother’s Day, ini-reveal na ni Alice Dixson ang gender at pangalan ng anak.

“Babae po ang anak ko. Her name is Aura,” sey ni Alice.

Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang labis na kasiyahan ngayong isa na siyang ina.

“It’s an amazing experience. I wish that I knew about it earlier… and I wish nagkaroon ako ng opportunity to have a child earlier.

“Pero ito na siya dumating na siya this year when I just turned 51. I’m gonna be turning 52 this coming July,” aniya.

Matatandaang sa pamamagitan ng surrogacy nagkaroon ng baby si Alice. Sa ibang bansa nanganak ang surrogate mother ng anak niya kaya naman ilang buwan din siyang nanatili abroad. Bumalik siya sa Pinas kasama si baby Aura nitong May 1.

“When I was abroad, dahil nga sa lockdown at tsaka ‘yung travel restrictions, hindi ko nakasama ang pamilya ko nu’ng nanganak ang surrogate ko. So, dahil hindi pa sila vaccinated hindi pa sila maka-travel. Paglabas ng baby sa hospital ako na ang lahat.

“Ako ‘yung nag-asikaso ng passport niya, ako ‘yung nag-asikaso ng visa niya, ako ‘yung nag-asikaso ng pagpapakain sa kanya. Kumbaga I didn’t have a driver, a maid, a nanny, anything. It was all me for the first and a half so, ang hirap. Hanggang ngayon puyat ako but I’m not complaining. I’m really enjoying every moment,” kwento ni Alice.

Leave A Reply

Your email address will not be published.