Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin Padilla nilaro ang arnis

0 80

Mukhang tapos na sa paglalaro ng baril si Robin Padilla. Ngayon naman ay naglaan na siya ng oras para laruin ang kanyang batuta.

Sa isang mahigit isang minutong video na kanyang inupload sa IG, makikitang nag-praktis si Robin sa paggamit ng arnis – ang pambansang martial art ng Pilipinas.

Bukod sa arnis, nagsanay din si Robin sa paggamit ng itak.

Maaksyon ang pag-eensayo ng aktor dahil may pa-slow motion at sound effects pa sa video.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Napakasarap alalahanin ng nakalipas, ang kayamanan ng kahapon na hindi kumukupas sa alaala ang siyang gumuhit sa kapalaran,” saad sa kanyang caption.

“Pagpupugay sa aking mga naging maestro na mga arnisador, panimuling sinawali hanggang itakan,” dugtong pa nito.

Bago ang arnis at itak, matatandaang nag-ensayo rin si Robin sa paghawak ng baril.(MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.