Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin Padilla pinosisyon sa Army

0 224

Kinumpirma ng tagapagsalita ng Philippine Army (PA) na naitalaga ang aktor na si Robin Padilla bilang pinuno ng Philippine Army Multi-Sectoral Advisory Board Strategic Communications Committee.

Pero agad nilinaw ng tagapagsalita ng PA na si Lt. Col. Ramon Zabala na hindi nangangahulugan na ito ay bahagi ng military. Aniya, ang grupo na Multi-Sectoral Advisory Board (MSAB) ay “civilian in nature” at tumutulong sa kanila sa pagbibigay ng impormasyon kung ano ang tingin ng mga tao o iba’t ibang sektor sa militar, maging kung paano nila matutulungan ang kasundaluhan na maipahatid ang kanilang mensahe sa publiko.

SM food to go Banner Ad

Nahalal si Padilla bilang chairperson ng MSAB Strategic Communications Committee noong Hulyo 30.

Si dating Army chief retired Lt. Gen. Macairog Alberto na madalas kasama si Padilla sa pagpunta sa Sulu ang nag-nominate kay Padilla, ayon kay Zagala. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.