Abante Tonite Interactive

‘Robin Padilla’ timbog sa pagtutulak ng shabu

By
10

Arestado ang big-time na tulak ng iligal na droga sa lalawigan ng Masbate at kapangalan ng sikat na action star na si Robin Padilla.

Nahuli sa possession ni Padilla at isang babae ang aabot sa P500,000 na halaga ng hinihinalang shabu.

Hindi na nakapalag ang suspek na si Padilla, 25, at kasamang babae na si Melanie Sia, 30, parehong nasa drug watchlist ng pulisya nang makorner ang mga ito sa Barangay Poblacion sa Baleno, Masbate.

Abante Hiring – IT dep

Sa ulat ng Baleno PNP na isinumite sa Police Regional Office (PRO 5) sa Camp Simeon Ola, nadakip ang mga suspek dakong alas 9:00 ng gabi nang magsagawa ng anti-illigal drug operation ang pulisya laban sa mga suspek.

Nakuha sa loob ng bahay ni Padilla ang siyam na malalaking sachet ng shabu na base sa estimate ng otoridad ay aabot sa P500,000 ang halaga kapag nabenta sa merkado.

Dinala ang mga suspek Baleno PNP detention cell habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanila.