Abante Tonite Interactive

Robin, Sharon bati na

0 426

Nagkaayos na si Megastar Sharon Cuneta at ang Bad Boy ng Philippine Cinema na si Robin Padilla.Sa ika-50 kaarawan ni Robin ay binati siya ng Megastar.

Kung matatandaan, nagkatampuhan ang dating mag-love team dahil hindi nakadalo si Robin sa concert ni Sharon na “My 40th Year Sharon”.

Medyo nasaktan umano si Sharon dahil hindi nakadalo si Binoe. Parang nakalimutan na siya.

Pero, hindi ito ang dahilan para palampasin ni Megastar na batiin siya.

Aniya, “(Eto na po kahit late Robin Padilla Huwag na po tampo.) Belated Happy Birthday, Robin! I wish you continued happiness in both your family life and career. More success and blessings! Friends (na uli) always.”

Masaya naman si Binoe na sa wakas ay wala nang tampo sa kanya ang dating katambal.

Sey niya, “Ayun!!! Kumpleto na ang 50th birthday ng golden boy. Maraming maraming salamat sa iyong pagpapatawad sa akin to napakahalaga nito lalo sa oras na ito ng ating mga buhay.” (Rona Ronda)