Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin supalpal sa DSLU

0 1,246

Tablado sa isang history advocacy group si Robin Padilla matapos lektyuran ang isang netizen at sabihing isang “Spanish school” ang De La Salle University (DLSU).

Sinabi ni Robin sa isang netizen na itinatag ang DLSU ng mga Kastila.

Dahil dito, pinangaralan siya ng High School Philippine History Movement.

Nag-ugat ang pahayag ng action star nang dipensahan si Senador Bong Go na nagsabing isang Tausug si Lapulapu, na binatikos din ng mga netizen.

Kinuwestiyon naman ng aktor ang educational background ng isang netizen na pumuna sa mga sinabi niya at doon nabanggit ang DLSU bilang “Spanish established school”.

“You got to be kidding. Are you from Ateneo? De La Salle? UST? All Spanish established schools for insulares, peninsulares and mestizos. You don’t need to be a doctor of anything to accept reality,” saad ni Padilla sa burado nang Facebook post kahapon, May 2.

Kinorek ng High School Philippine History Movement ang aktor at nilinaw na ang DLSU ay hindi itinatag ng mga Kastila.

“Ang De La Salle University (DLSU-Manila) ay itinatag noong June 16, 1911 noong panahon ng mga Amerikano,” sabi nito sa Facebook post.

Dagdag nito, itinatag ang unibersidad ng mga Amerikanong mula sa Institute of the Brothers of the Christian Schools o mas kilalang Lasallian Brothers.

“Hindi po ito itinatag noong panahon ng Espanyol o ng mga Kastilang prayle. These are irrefutable historical facts. Walang personalan,” dagdag nito. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.