Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robin tuliro sa kandidatura

0 90

Sa mga panayam sa kanya noon, tahasang sinabi ni Robin Padilla na wala siyang balak pumasok sa politika.

Masaya na raw siya na sa pamamagitan ng kanyang foundation ay maraming tao na siyang natutulungan.

Naisip din niya na napakalaking gastos ang kakailanganin para pondohan sakali ang kanyang kandidatura.

Sa Pinas daw kasi, karamihang politiko ay binabawi ang kanilang mga nagastos sa kampanya sa pangungurakot.

Pero lately, tila nagbago ang ihip ng hangin para sa tinaguriang “original bad boy of the Philippine movies.”

Sa Facebook live , humingi siya ng payo sa mga netizen kung susuong ba siya sa politika? O, magpopokus na lamang sa kanyang movie career?

Aniya, may option kasi siya na kumandidato bilang senador, gobernador ng Daet, Camarines Norte o kaya’ý mayor ng Jose Panganiban sa Camarines Norte.

Hirit ng actor, iniisip daw niya kung tatakbo siya sa politika sa darating na eleksyon.

Gusto raw niyang makapaglingkod sa mga tao at makapag-ambag ng pagbabago sa bansa.

Kung hindi raw naman siya matutuloy, babalik na lang daw siya sa pag-aartista at balak na gawin ang “Bad Boy 3” at “Mistah 2”.

May mga nagpayo naman sa kanya na mag-stick na lang sa pagiging actor, lalo pa’t napaka-kumplikado ng politika sa bansa.

Meron namang nag-advice na kung sakaling yayakapin niya ang public service ay mag-aral muna siya ng public administration at magsimula muna sa pinakamababang posisyon.

Dahil naman sa pahayag niyang ito, marahil daw ay nakumbinsi ang actor na sumama sa tiket ni Pangulong Duterte sa 2022 national elections na kulang pa ang senatorial line up.

Vice bet maging Kuya Germs

Isa sa itinuturing na haligi ng It’s Showtime ang host na si Vice Ganda.

Katunayan, siya ang masasabing godmother ng ilang newbies na na-discover sa nasabing noontime variety show.

May mga nag-opinyon ding tila bet daw ng komedyante na sumunod sa yapak ng starbuilder na si Kuya Germs . Marami kasing natulungan ang nasabing host na magkaroon ng career noong nabubuhay pa ito sa kanyang defunct show na “Walang Tulugan with Master Showman”at “That’s Entertainment.”

Sa totoo lang, momshie ni Ryan Bang ang unkabogable star. Inalalayan siya para mahasa ang kanyang potensyal sa nasabing show.

Ilan pa sa nabigyan ng break ni Vice sa naturang show ay ang bibong bata na si Aaron Sunga o alyas young Yorme,

Nabigyan din ng exposure sa kanyang programa ang mga stand-up comedians na sina Chad Kinis, MC at Lassie na kilala na ngayon bilang Beks Battalion. Pati na si Negi.

Sa It’s Showtime rin, nakilala ang Ate Gurl na si Jackie Gonzaga at maging ang Mr. Escort na si Ion Perez na dyowa na niya ngayon.

Kamakailan naman, nag-trending ang cameraman na si Pido dahil sa pagbibigay sa kanya ng spotlight ni Vice sa kanilang noontime show.

Leave A Reply

Your email address will not be published.