Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robina Farms-Gokongwei P544M nalusaw sa ASF

0 148

Sinara na ng Robina Farms ng mga Gokongwei ang dating pinakamalaking satellite farm nito sa Bustos, Bulacan kung saan pinalalaki ang hanggang 50,000 na mga biik bago katayin.

Ayon sa mga taga-Barangay Malamig sa Bustos, matagal nang sarado ang babuyan ng Robina Farms sa lugar.

Nag-ulat ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa World Animal Health Organization o OIE na nagkaroon ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa naturang barangay.

Hindi nakahahawa sa tao ang ASF ngunit malakas ito makapinsala ng kabuhayan dahil mabilis makahawa sa baboy at namamatay kaagad ang mga ito sa loob ng anim hanggang 20 araw matapos mahawa.

May mga babuyan din umano ang Robina Farms sa San Miguel at Pandi sa Bulacan na tinamaan din ng ASF at sa Antipolo, Rizal.

Nabatid na umabot na umano sa P544 milyon ang halaga ng mga nawalang mga baboy sa Universal Robina Corp. (URC) ng mga Gokongwei.

Kasalukuyang pilay ang industriya ng babuyan sa bansa dahil sa ASF na unang iniulat noong Agosto 2019. Noong 2019 pa lang, naramdaman na ng URC ang epekto ng ASF dahil kumonti ang alaga nitong baboy sa 209,640 mula sa 232,724 noong 2018. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.