Abante Tonite Interactive

Robins-Hardy aayuda kay Daquis sa Cignal

245

Pakitang-gilas agad ang bagong setter ng Cignal na si Alohi Robins-Hardy sa binyag na laro sa 7th Philippine Superliga 2019 All-Filipino Conference prelims sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nagtala si Robins-Hardy ng 18 excellent sets at 12 points mula sa pitong kills, tatlong service aces at dalawang blocks upang tulungan ang HD Spikers na kalusin ang Sta. Lucia 25-27, 25-22, 25-10, 25-21 Miyerkoles nang gabi.

Muling huhugot ng lakas ang nasa panlimang HD Spikers (1-0) kay Robins-Hardy sa pakikipagtuos sa kasalo sa terserang PLDT Home Fibr (2-1) sa alas-4:15 nang hapon sa parehong lugar upang masilo ang pangalawang sunod na panalo.

Abante Hiring – IT dep

Parehong galing sa panalo ang magkapatid na Cignal at Power Hitters.
Makakatulong ni Ro-bins-Hardy sina skipper Rachel Anne Daquis, My-lene Paat at nagbabalik na si Jovelyn Gonzaga.

Kumayod si Paat ng 14 puntos habang 13 at 11 ang kinana nina Daquis at Gonzaga sa kanilang unang laro, ayon sa pagkakasunod.

Kakapitan naman ng Power Hitters sina Gretchel Soltones, Aiko Urdas at setter Jasmine Nabor. (Elech Dawa)