Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robinson alaskado sa maagang ‘pagtulog’

0 122

Naging tampulan ng tukso – at instant meme – si Nate Robinson pagkatapos patulugin ni Jake Paul sa kanilang boxing match nitong Linggo sa Staples Center.

Undercard ang Robinson-Paul sa Mike Tyson-Roy Jones Jr. bout.

Una ang mukhang tumiklop sa canvas ang dating NBA player nang abutin ng right cross sa second round.

“Night Night,” tukso ni Joel Embiid.

Walong punches lang ang pinakawalan ni YouTube influencer Paul, pero lahat kabit.

May babala si Snoop Dogg, commentator ng laban, sa ibang atletang gustong mag-boxing: “You don’t play boxing.”

“There are no amount of dunk contest wins that can overcome that knockout for Nate Robinson,” ani Brewers pitcher Brett Anderson.

Ang 36-year-old at 5-foot-9 na si Robinson ang unang three-time Slam Dunk champion ng NBA.

Ang red-and-blue pa ng Knicks, una niyang pinaglaruan noong 2005, ang shorts niya sa bout. Nag-retiro si Robinson noong 2015 sa Pelicans.

“Man what the hell Nate doing,” ani NFL player Mark Ingram II.

“That was no representation of the NBA family lol,” susog ni dating Lakers forward Nick Young. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.