Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robinson mamimili sa 2 liga

0 67

Nalalagay ngayon sa alanganin si newly-installed Phoenix interim coach Michael Christopher ‘Topex’ Robinson dahil sa dapat bitawan ang isa sa dalawa niyang trabaho.

Sinibak nitong Biyernes ng Fuelmasters management si Francisco Luis ‘Louie’ Alas bilang coach ng koponan at bilang assistant in-appoint na pamalit si Robinson una. Unang pagkakataon na magmamando sa isang PBA team ang 45-anyos na mentor, pero dapat niyang iwanan ang Lyceum Pirates sa NCAA.

May PBA rule na hindi maaring mamangka sa dalawang ilog kung pro mentor na, at pinaalala rin ni NCAA chairman Fr. Vic Calvo ng Letran Knights na bawal mag-coach sa oldest collegiate league kung may hawal na pro team. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.