Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robinson, Paul sama sa Tyson-Jones bout

0 319

Sikat na NBA player si Nate Robinson, hindi man katangkaran malakas lumundag kaya naging three-time slam dunk champion.

Ipakikita ng 36-year, 5-foot-9 Robinson ang iba pa niyang talento sa ibang sport, sa boxing sa Setyembre 12 upang harapin si YouTube star Jake Paul, 23.

Related Posts

Sahog ang bakbakan para sa pagtutuos ng dalawang boxing legend na sina Mike Tyson at Roy Jones Jr. sa isang eight-round exhibition fight.

“I wanted to show that I’m a world class athlete,” pahayag ni Robinson. “I played college football, played in the NBA for 11 years, and I’m excited for this venture into the sport of boxing. Jake Paul, I want all the smoke.”

Naka-12 seasons sa NBA sa magkakaibang teams si Robinson kasama ang New York Knicks, Boston Celtics, at Denver Nuggets. Na-draft siyang first round, 21st overall ng Knicks noong 2005 NBA Draft. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.