Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robles, Bulldogs sinakmal Archers

0 77

STANDINGS
TEAM W L
NU 8 0
UST 6 2
DLSU 5 3
ADMU 4 4
UP 4 4
AdU 4 4
FEU 1 7
UE 0 8

Mga laro bukas (SM Mall of Asia Arena)
10:00 n. u. – UE vs AdU
12:00 n. t. – UP vs UST
4:00 n. h. – ADMU vs NU
6:30 n. g. – FEU vs DLSU

Pinamalas ni Princess Ann ‘Ces’ Robles ang liderato bilang team skipper sa pagtulak sa National Univeirsity (NU) Lady Bulldogs na walising muli ang De La Salle University (DLSU) Lady Spikers, 25-21, 25-20, 25-17, sa 84th University Athletic Association of the Philippines 2022 Women’s Volleyball Tournament second round eliminations sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay Huwebes ng gabi.

Sumagpang si Robles ng 17 points sa likod ng 15 attacks at 2 aces upang mapanatili ng Bustillos-based volleybelles ang malinis na kartada at soloing liderato sa pagsungkit ng pangwalong sunod na ragasa sa eight-team legue.

Gayunman, kinailangan muna ng NU na humabol mula sa anim na puntos na pagkakaiwan sa second set upang agawin sa La Salle ang abante sa itinalang 7-0 finishing kick at isara ang bahagi sa 25-20, at pagkaraa’y nagsubsob sa mga balibolistang taga-Taft sa 5-3 win-loss slate para sa tersera sa katayuan.

Napanatili rin ng Lady Bulldogs ang tanging dalawang set pa lang ang naibibigay sa kanilang mga kalaban sa walo laro sa season. Inulit ang ang paghakbang sa DLSU gaya sa first round via straight sets.

Kumayod naman si Faith Nisperos ng 19 markers mula sa 15 attacks, 3 service aces at 1 block para dagitin ng defending champion Ateneo Blue Eagles (4-4) ang FEU Lady Tamaraws (1-7), 25-22, 25-13, 25-23.

Bahagyang nahirapan ang Ateneo bago nanalo sa unang set, pero sa pangalawang frame minani na lang ng Blue Eagles ang Lady Tams nang makalamang ng hanggang 12 puntos. (Lito Oredo/Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.