Abante Tonite Interactive

Robles, Davao sinargo ang Navotas

191

Humarabas si Billy Robles ng team-high 14 points kalakip ang 5 rebounds at 2 assists upang kamauhin ang Davao Occidental sa pagbutas sa Navotas Uni-Pak, 94-74, sa unang laro nitong Miyerkoles sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 eliminations sa Bulacan Capitol Stadium sa Malolos.

Nananatiling nasa top spot ng Group B South Division ang Davao dahil sa kinayod nila na fifth straight win para sa 7-1 win-loss record sa 31-team league.

Umagapay kay Robles si team skipper, ex-pro Mark Yee na gumawa ng 11 points at 7 rebounds habang bakas pa si Chester Saldua ng 13 markers.

Laglag sa sixth place ng Group A North Division ang Navotas sa 2-3 maski kumayod si Jhong Bondoc ng 16 points at 9 rebounds.
Ang iskor:

Davao Occidental 94 – Robles 14, Saldua 13, Yee 11, Mocon 9, Calo 8, Albo 8, Forrester 8, Adormeo 6, Lamocha 4, Balagtas 4, Bonlen 3, Raymundo 2, Custodio 2, Ludovice 2.

Navotas 74 – Bondoc 16, Melegrito 13, Munsayac 12, Evangelista 11,Abdurasad 8, Orquina 6, Cabahug 3, Penaflor 2, Escobal 2, Soriano 1. (Aivan Espicope)