Abante Tonite Interactive

Robles, NU pininsala ang UP

220

Naglagablab sa depensa si Jennifer Nierva habang sa opensa sina Princess Anne Robles at Ivy Keith Lacsina nang ‘di sukat akalaing magutay pa ng National University Lady Bulldogs ang University of the Philippines Lady Fighting Maroons, 25-17, 14-25, 17-25, 25-23, 17-15, sa season 81 UAAP season women’s indoor volleyball tournament 1st round elims Miyekoles ng gabi sa The Arena, San Juan.

Hinirang na best player of the game si libero Nierva na kumayod ng 29 excellent receptions at 26 excellent digs, sumakmal naman ng 17 points si Robles at bakas ng 16 markers si Lacsina sa pag-angat ng Bustillos-based squad sa 2-4 at haltak sa mga balibolista ng Diliman sa 3-3.

“Sa amin naman, every match, lagi ko po ini-instill sa kanila ‘yung principle lang ng enjoy the game, ‘yung nothing to lose, ‘yung enjoy pero hindi ma-compromise ‘yung focus, and always mag-smile,” giit ni winning coach Norman Miguel.
Nakabalikwas pa ang L’ Bulldogs sa marathon set kahit na naiwan sa 1-2 tapos ng three frames at 10-14 sa decider para sumampa sa ikalimang puwesto sa team stan­dings at pasadsarin ang Peyups sa ikalima.
Tinapos ni Gelina Luceño ang laban sa isang kill block para ibangon ang mga aso sa huling pag-amo sa University of Santo Tomas Golden Tigresses.