Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robot tutulong sa COVID patient

0 63

Gagamit ng Taguig City government ang mga robot para mag-aalaga sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19 at upang mapangalagaan ang kanilang mga medical personnel.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano handa silang gumamit ng teknolohiya sa pagresponde sa pandemic na COVID-19. Ang tinaguriang ‘robonurse’ ay ginawa ng Taguig Robotics Team na kinabibilangan ng mga estudyante na siya ding gumawa ng mga robot na ginamit ng lungsod sa cyber graduation sa mga pampublikong paaralan nitong Mayo.

Ito umano ang magdadala ng gamot at iba pang supply sa mga pasyente habang nagmo-monitor ang mga nurse sa mga ito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.