Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robredo: 200K trabaho mawawala sa banta ng EU

0 119

Nagbabala si Vice President Leni Robredo na sakaling tuluyang alisin ng European Union (EU) ang Generalized Scheme of Preferences (GSP) Plus na iginawad sa Pilipinas ay mangangahulugan na mawawalan ng trabaho ang nasa 200,000 na tao habang mahigit P108 bilyon ang posibleng mawalang kita ng mga negosynte.

Sa kanyang programa sa radyo, ipinaliwanag ni Robredo na sa ilalim ng GSP Plus ay hindi pinapatawan ng buwis ang export ng mga materyales galing sa Pilipinas mula sa pagkain hanggang sa electronics.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero babala ni Robredo na kung aalisin ito, tiyak na apektado ang sector ng mga negosyante at tatamaan siyempre ang mga trabahador.

“Simple lang. Kapag tinanggal iyan nasa 200,000 na trabaho ang mawawala. Kung aalisin iyan, nasa P108.9 na bilyon na kita ang mawawala ng mga negosyante sa export,” sinabi ni Robredo.

Matatandaan na tila hinamon pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa EU na gawin ang banta nito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.