Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robredo binokya sa intel fund

0 128

Binawasan ang budget para sa Office of the Vice President ng P28.28 milyon para sa 2021.

Base sa sinumiteng budget proposal ng Department of Budget and Management sa Kongreso, P679.7 milyon lamang ang ilalaan ng administrasyong budget para sa OVP, mas mababa kaysa sa P708 milyon ngayong taon.

Travelling expenses ang pinakalaking tinapyasan habang binokya ito sa confidential at intelligence expenses.

Ayon sa National Expenditure Program ng DBM para sa 2021, P28.3 milyon lamang ang budget na nilaan nito sa travelling expenses ng OVP samantalang nasa P48.3 milyon ito ngayong taon.

Nung 2019, binawasan din ng DBM ang budget ng OVP para sa mga financial assistance at susbsidy. Nasa P395.8 milyon ang budget ng OVP nung 2019 para sa mga financial assistance at binawasan ito at nilagay lamang sa P387.6 milyon ngayong taon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.