Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robredo: DND desisyon sa UP naghahasik ng takot

0 124

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na paghahasik ng takot at hindi law and order ang layunin ng Department of National Defense (DND) nang ihinto nito nang walang anumang abiso ang kasunduan sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal ng presensya ng mga militar at pulisya sa loob ng campus.

Aniya, “Clearly, then, this is not a practical gesture, but a symbolic one. One designed to sow fear. One designed to discourage dissent. One designed to silence criticism.”

SM food to go Banner Ad

Giit ni Robredo, ang UP-DND accord ay nabuo may tatlong dekada na para protektahan ang UP community mula sa mga warrantless arrest, ang accord umano ay nabuo noong 1989 nang isang miyembro ng student paper na Philippine Collegian ang inaresto sa UP Vinzons Hall ng mga miyembro ng militar.

Sinabi pa ng pangalawang pangulo na dapat ipaglaban at respetuhin ng bawat isa ang umiiral na demokrasya.

“That in a democracy, there was no place for relentless war waged across all borders, without oversight or accountability, against any person those in power had decided to brand “an enemy. The unilateral scrapping of the decades-old Accord sends the opposite message: That under this administration, anyone, anywhere, at anytime, is fair game,” pagtatapos pa nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.