Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robredo hinahanap P15B ni Duque sa test kit

0 421

Kuwestiyonable para kay Vice President Leni Robredo ang paggamit ng pondong nakalaan para sa test kit.

Dismayado kasi si Robredo sa mabagal na COVID testing dahilan upang hindi aniya mapigilan ang paglobo pa rin ng mga kaso ng virus infection sa bansa.

Ayon kay Robredo, sa ilalim ng Bayanihan Law, mayroong P15 bilyong nakalaan para sa test kit ngunit nakapagtataka kung bakit mabagal at hindi pa rin naabot ang target para sa mass testing.

Ang tanggapan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang pangunahing ahensya ng gobyerno na humaharap sa COVID-19 pandemic.

“Kung mayroon naman perang ganito bakit hindi madaliin at bakit hindi ayusin. March palang nagde-demand na tayo na taasan ang testing, pero hindi pa rin natin nari-reach iyong ating target. Hanggang ngayon mababa pa rin tayo. Grabe na iyong itinaas natin compared to March,” ayon kay Robredo.

Kasabay nito, iginit ni Robredo na hindi dapat ipasa sa mga local government unit ang pagpapa-swab test sa mga locally stranded individual (LSI) dahil responsibilidad aniya ito ng national government.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.