Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robredo kabado sa mga retiradong Chinese

0 96

Nabahala si Vice President Leni Robredo sa naungkat na isyu hinggil sa maraming 35-anyos na Chinese ang kinunsiderang retiree na sa Pilipinas.

Ayon kay Robredo, ang mga naturang retiree mula China ay delikado para sa national security ng bansa, gayundin ang pagkaubos ng trabaho sa mga Pinoy.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kung kukuha sila ng trabaho dito, maraming Pilipino ang walang trabaho, makikiagaw pa sila sa mga Pilipino,” paliwanag ni Robredo.

Matatandaan na nilantad ng Philippine Retirement Authority (PRA) na karamihan sa 27,678 nagreretirong Chinese sa Pilipinas ay edad 35 pa lang.

“Una iyong edad. Ang babata pa, 35 retired na. Pangalawa, talagang ang dali parang iyong investment na required sobrang baba. So sana, sana call ito ng opisina nila na ipa-revisit iyong mga policies kasi nakakatakot ito para sa atin,” giit ni Robredo. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.