Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Robredo kay Marcos: Tapusin na laban

0 709

Gusto nang wakasan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang electoral protest ni dating Senador Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr. para sa nakaraang vice presidential election.

Katunayan, naniniwala ang kampo ni Robredo na mapapabilis ang pagdesisyon sa kaso kasunod ng kautusan ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

“The camp of Vice President Leni Robredo welcomes the latest PET order as this will help fast-track the resolution of the election protest,” sinabi ni Atty. Beng Sardillo, abogado ni Robredo sa isang pahayag.

“We will comply with the High Tribunal’s order and wait for the comments of the Commission on Elections (Comelec) and the Solicitor General on the pending matters,” dagdag niya.

Inatasan ng PET ang Comelec at ang Office of the Solicitor General (OSG) na magkomento sa isyu hinggil sa pagpapawalang bisa sa halalan, kaugnay sa electoral protest ni Marcos dahil umano sa dayaan sa tatlong lugar sa Mindanao at sa terorismo.

Naniniwala si Sardillo na pagtitibayin ng PET ang tagumpay ni Robredo gaya ng resulta sa 2016 elections, at sa recount ng mga balota sa tatlong pilot province na pinili ni Marcos. Matapos ang recount ay nadagdagan pa ang lamang ni Robredo kay Marcos ng 15,000 boto.

“Dalawang beses nang nanalo sa bilang si VP Leni. Matagal nang tapos ang boksing. Matagal nang talo si Marcos. Tapusin na natin ito,” sinabi ni Sardillo.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.